Bunsod ng mga bagong lumutang na subvariants ay pinayuhan ng OCTA research ang publiko na panatilihin ang pag-iingat kasunod ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, tumaas sa 90 ang arawang kaso mula sa 79 na tinatamaan ng COVID-19 kada araw nitong nakaraan.
Aniya hindi inaalis ang obserbasyon na naging kampante na ang publiko dahil sa pagluluwag ng mga protocols at pagbaba ng alert level status, bukod pa rito ang humihinang immunity ng mga tao kahit pa nabakunahan na ang mga ito.
Kasabay nito, nabatid na tumaas ng 14% ang daily average covid-19 cases sa National Capital Region.
Samantala, sinabi pa ng eksperto na walang dapat na ikaalarma sa ngayon dahil nasa low risk pa rin ang metro manila pero maaaring mapigilan ang posible pang pagtaas ng mga kaso kung magpabakuna at magpa-booster ang publiko laban sa COVID-19 .