Posibleng pumalo sa dalawang libong bagong kaso ng COVID-19 kada araw ang maitala sa Metro Manila sa susunod na linggo ayon sa OCTA research group.
Sinabi ni Prof. Guido david ng OCTA, sa takbo ng bilang ng kaso ng COVID-19 ngayong linggo, posibleng madagdagan pa ito sa susunod na linggo at, maaari pa itong mas lumaki sa mga susunod pang linggo..
Giit ni David, ngayon ay pumalo na sa 1.35 ang reproduction rate ng virus sa Metro Manila, indikasyon na napanatili ang COVID-19 transmisyon sa rehiyon.
Babala ni David, kapag nakapagtala na ng dalawang libong kaso kada araw, malapit na ito sa surge capacity ng bansa kung saan nariyan nang mararanasan ang break down sa contact tracing at testing.