Nagbabala ang grupong OCTA Research Team sa posibleng panibagong COVID-19 surge kung patuloy na hindi mag-iingat ang publiko.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, bagama’t mababa na sa isang libong ang naitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa, maaari pang magbago ang lahat sa mga susunod na buwan.
Aniya, sakaling magkaroon muli ng surge, posibleng mangyari ito sa buwan ng Abril o Mayo dahil kadalasang nararansan sa bansa ang pagsirit ng kaso kada tatlong buwan.
Paliwanag ni David, pwedeng dahil ito sa hindi na pagsunod ng publiko minimum health standards, mass gatherings gaya ng campaign rallies at bumababang immunity sa COVID-19.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles