Muling haharap ang OCTA research group sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ngayong araw.
Ito’y upang siyasatin ang qualifications, research methodologies, partnership at composition ng OCTA.
Ang naturang kumite ay pinamumunuan ni Diwa Partylist Rep. Michael Edgar Aglipay habang mangunguna sa hearing si Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy ng Bagong Henerasyon partylist.
Sa naunang pagdinig, kinuwestyon ng mga mambabatas ang credentials ng OCTA at ginagamit nitong paraan upang ma-predict ang COVID-19 trends sa bansa.
Binatikos din ng mga kongresista ang sobra umanong laking projections ng OCTA at paghahasik ng takot sa publiko.—sa panulat ni Drew Nacino