Nangangamba ang OCTA Research Group sa posibleng pagkakaroon ng ‘spike’ ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga lugar na apektado ng pag-a-alburoto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Prof. Guido David, miyembro ng OCTA, kabilang sa mga posibleng magsimula ang pagsirit ng kaso sa mga evacuation center.
Ibinabala ni David na karaniwang nararanasan ang spike sa oras na magtapos ang mga evacuation effort.
Bagaman nako-control naman ito ng pamahalaan, kailangan pa rin anyang sumunod ang mga residente sa ipinatutupad na ‘protocols’ sa mga evacuation sites. —sa panulat ni Drew Nacino