Naniniwala ang OCTA Research Group na posibleng nalalapit na ang bansa sa endemic stage o pagtatapos ng COVID-19 pandemic.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Michael Tee na maaaring dahil ito sa naitatalang mababang kaso at hospitalization rate ng COVID-19.
Aniya, mapapanatili ng bansa ang mabuting sitwasyon na ito kung susunod ang publiko sa mga programa ng gobyerno tulad na lamang ng pagpapabakuna.
Dagdag pa niya na kasama rin dito ang pagiging available ng mga nakikitang epektibong anti-viral tulad ng Molnupiravir.
Samantala, sinabi ni Tee na magbabago ang turing sa COVID-19 sakaling maging endemic na ito.