Nilinaw ng OCTA Research Group na ang kanilang datos ay hindi mula sa nakalipas na dalawang linggo.
Ito’y matapos kwestyunin ang inilalabas na methodology ng grupo.
Ayon kay Professor Guido David, gumagamit ng tatlong datos ang OCTA.
Ito ay mula sa Department of Health para sa paggawa ng kanilang projections, report date o araw kung kailan naiulat ang kaso, specimen date o araw kung kailan nakuha ang specimen at araw kung kailan ito nagkasakit.
Giit ni David, konserbatibo ang projection na ginagawa ng OCTA.
Magugunitang ilang mambabatas ang nagsulong na imbestigahan ang OCTA Research Group.