Nilinaw ng OCTA Research team na ang kanilang ikinakasang survey kaugnay sa mga kandidato sa election 2022 ay face to face o in-person at hindi nakabase sa scientific survey.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni OCTA Research Fellow Prof. Dr. Guido David na hindi lang sila sa NCR nagsasagawa ng survey kundi sa iba pang probinsya o panig ng bansa.
Iginiit ni David na hindi sila namimili ng tao sa kanilang isinasagawang survey kaugnay sa eleksiyon.
Bukod pa dito, iba-iba din ang edad na kanilang isinasali sa naturang survey upang malaman kung sino ang mas lamang na kandidatong iboboto ng taumbayan.