Hindi dapat matakot ang publiko sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito ang iginiit ni OCTA Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco, hindi dapat mag-alala ang mga mamamayan dahil maganda anya itong senyales dahil sa patuloy na pagkalat nito ay mabilis din itong hihina.
Aniya, habang mild pa lamang ang karamihan ng kaso, kaunti pa lamang ang dinadala at namamatay sa virus.
Batay aniya sa datos ng OCTA, nasa 0.05% lamang ng bagong covid cases ang moderate, severe at critical.
Hinikayat naman nito ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19 para mapigilan ang hawaan sa bansa.