Inihayag ng OCTA Research Group na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila habang ang mga impeksyon sa mga lalawigan ay tumataas.
Ayon kay OCTA Research Fellow Doctor Guido David, nakitaan ng pagtaas ng covid-19 cases ang probinsya ng Cebu at Davao.
Aniya, nakapagtala ng halos 780 kaso ang lalawigan ng Cebu kumpara sa nakaraang peak ng delta surge na nasa 300 kaso lamang.
Samantala, binalaan niya ang mga lalawigan na mayroon lamang itong mas kaunting testing capacity at maliit na hospital capacity para sa mga pasyente. —sa panulat ni Airiam Sancho