Inirekomenda ng OCTA Research Group ang pagpapalawig ng General Community Quarantine sa NCR plus o Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna At Rizal hanggang sa katapusan ng Hulyo.
Ayon sa OCTA, ito ay batay sa kanilang naging risk assessment sa NCR plus at sa “low vaccination coverage” sa rehiyon at iba pang karatig lalawigan.
Naniniwala ang OCTA na malaki ang magagawa ng pagpapalawig ng GCQ sa NCR plus at maiiwasan din nito ang posible pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay naman sa naging klasipikasyon ng OCTA, itinuring na moderate risk area para sa COVID-19 ang Metro Manila.