Suportado ng OCTA Research Group ang desisyon ng gobyerno na magpatupad ng ECQ sa Metro Manila simula Agosto 6 hanggang 20.
Magugunitang mismong ang nasabing grupo ang nagsulong na isailalim sa circuit breaker lockdown ang NCR matapos sumirit ang kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant ng Coronavirus.
Sinabi ng OCTA Research na tama lamang ang pagsailalim muli ng gobyerno sa Metro Manila sa ECQ bilang precautionary intervention bagamat malaking hamon sa pamahalaan kung pano mababaligtad ang COVID-19 surge sa NCR.
Kaugnay nito, hinimok ng grupo ang Local Government Units, Private Sector at mga komunidad sa Metro Manila para magtulungan sa pagpapatupad ng mga strategy upang mapigilan ang surge sa COVID-19 cases.
Umapela rin ang OCTA Research sa publiko na sundin ang mga regulasyong inilatag ng LGU’s hanggang matapos ang ECQ status sa Metro Manila.