Tiwala ang OCTA Research sa naging pasya ng gobyerno na ipursige ang face to face classes sa susunod na buwan para sa pagbubukas ng School Year 2022-2023.
Ayon kay Dr. Guido David, masusing pinag-aralan ng pamahalaan ang ginawang desisyon na ibalik na ang face to face classes sa bansa.
Sinabi pa ni Guido, na suportado nila ang aksyon na ito lalo na’t mahigit dalawang taon nang nakatengga ang mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan.
Dahil dito, tiyak aniya na apektado na ang quality of education na natatanggap ng mga bata, pati na ang kanilang productivity.