Nagpahayag ng suporta ang OCTA Research Group sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatuloy ang paggamit ng faceshield sa loob at labas.
Sa Laging Handa Briefing, nagtitiwala si Dr. Guido David sa pag-aaral na ginawa ng mga eksperto kung saan ito ang gumawa ng rekomendasyon sa pangulo.
Magugunitang, sinabi ng pangulo na mandatory pa rin ang pagsusuot ng face shield upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ipinabatid rin ni presidential spokesperson harry roque na ang paggamit ng faceshield ay isang bagay nakakatulong para hindi mahawa ng nakakamatay na Delta COVID Variant.
Aniya, nakakatulong rin ito para maiwasan ang pagkakaroon ng second wave ng coronavirus disease sa bansa.