Nagpaliwanag ang OCTA Research Team kung bakit mababa na ang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa naging panayam ng DWIZ kay OCTA Research Fellow Prof. Dr. Guido David, sinabi niya na medyo bumagal ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at hindi na kasing bilis tulad ng dati.
Dagdag pa ni David na kung hindi susunod ang publiko sa minimum public health standards ay posibleng muling magkaroon ng pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit katulad ng nararanasan ngayon sa ibang bansa kabilang na dito ang Hong Kong, UK at China. — sa panulat ni Angelica Doctolero