Tiwala ang dalawang miyembro ng OCTA Research Group na magandang pasko ang naghihintay sa mga Pilipino sa gitna nang patuloy na paglaban sa COVID-19.
Ito ayon kay Professor Ranjit Rye ay kapag naabot na ang vaccine goals o population protection kahit sa NCR muna sa buwan ng Oktubre.
Naniniwala si Rye na magtatagumpay ang gobyerno laban sa Delta variant dahil sa pinabilis na pagbabakuna partikular sa NCR.
Subalit maaaring dalawa hanggang tatlong taon pa bago makabangon ang bansa sa mga epekto ng pandemya.
Nakikita rin ni Professor Guido David ang masayang pagtatapos ng 2021 dahil maaaring mangyari sa bansa ang tagumpay ng India na nakabangon sa matinding hagupit ng COVID-19 cases partikular ng Delta variant.
Ipinabatid ni David na posibleng tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa mga unang linggo ng Setyembre subalit ma e-enjoy ng mga Pilipino ang huling quarter ng taong ito.