Nanatili sa 2.3 percent ang inflation rate para sa buwan ng Oktubre sa kabila ng dalawang malakas na bagyong tumama sa bansa.
Ang inflation rate ay tumutukoy sa porsyentong itinaas ng presyo ng pagkain at ng serbisyo.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, pumalo sa 3.4 percent ang itinaas ng presyo ng pagkain kung ihihiwalay ito sa presyo ng serbisyo.
Ang inflation rate ng Oktubre ay sakop pa ng 1.9 hanggang 2.7 percent na inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at mas mababa sa 2.4 percent na pagtaya ng Standard Chartered Bank.
By Len Aguirre