Napanatili ng bagyong Odette ang lakas nito habang nananatiling hindi ito gumagalaw sa loob ng anim hanggang 12 oras.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro bagyo sa layong 315 kilometro Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 90 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong nasa 113 kilometro kada oras.
Tinatahak ng bagyong odette ang direksyong pa-hilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro kada oras.
Kasalukuyang sa Pangasinan na lamang nakataas ang signal number one.
Gayunman, asahan pa rin ang panaka-nakang buhos ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas.
Inaasahang mamayang gabi ay tuluyan nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Odette.
—-