(11 AM Update)
Napanatili ng bagyong Odette ang lakas nito at ngayo’y nasa bahagi na ng karagatang sakop ng Ilocos Sur.
Huling namataan ang bagyo sa layong 45 kilometro Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometero kada oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanluran timog-kanluran sa bilis sa 24 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 2 sa Ilocos Norte, Batanes at Babuyan group of Islands.
Signal number 1 naman sa Cagayan, Abra, Kalinga, Apayao, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Benguet, Ifugao, at Pangasinan.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madaling araw.
Pinag-iingat pa rin ang mga manlalayag partikular sa mga baybayin ng Hilagang Luzon.