Inatasan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pamunuan ng Energy Regulatory Commission na ipatupad na ang suspension order ng Office of the Ombudsman laban sa apat na opisyal ng komisyon.
Ayon kay Medialdea , “immediately executory” ang nasabing desisyon na inilabas ng Ombudsman nuon pang ika – 18 ng Mayo ngayong taon.
Batay sa desisyon ng Ombudsman, napatunayang guilty sa reklamong simple neglect of duty sina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Magpale-Asirit at Geronimo Sta. ANA.
Nag – ugat ang reklamong inihain ng NASECORE o National Association of Electricity Consumers for Reforms Incorporated dahil sa hindi otorisadong paggamit ng consumers’ bill deposits.