Inalis na ng Commission on Higher Education o CHED ang ban sa off-campus field trips na una ng ipinataw matapos ang bus crash na ikinasawi ng 15 katao na patungo sana sa isang camping activity sa Tanay, Rizal.
Sa memorandum order 63 ni CHED Chairperson Patricia Licuanan, inaatasan ang lahat ng Higher Education Institutions o HEI na mag-disenyo, determina at mag-apruba ng off-campus activities bilang bahagi ng curriculum.
Inaatasan din ang mga HEI na busisiin ang kondisyon at loading capacity ng mga sasakyan na gagamitin sa field trip at pinagbawalan na parusahan ang mga estudyanteng hindi mapapabilang sa nasabing aktibidad.
Naganap ang trahedya habang binabaybay ng mga estudyante ng Best-Link College ang pa-kurbang kalsada sa Tanay, noong Pebrero 20.
By Drew Nacino