Ipinag-utos ng pamunuan ng CPP o Communist Party of the Philippines sa New People’s Army (NPA) na paigtingin nito ang offensive operations sa buong bansa.
Sa kabila ito ng nakatakdang resumption ng peacetalks sa CPP-NPA-NDF sa August 20.
Ayon sa CPP, pinalalarga nila sa kanilang bagong hukbong bayan ang tactical offensive para isulong ang digmaang bayan at para magkamit ng mas marami pang tagumpay.
Pinayuhan pa ng CPP ang NPA na ituloy ang raid at ambush operations upang makapangalap ng mas maraming pondo at armas para sa lumalaki anitong membership.
By Judith Larino