Nag-offer ng maganda si Golden Boy promoter Oscar dela Hoya kay Gennady Golovkin para makaharap nito ang kanyang alaga na si Canelo ‘Saul’ Alvarez.
Ayon kay Dela Hoya, tiniyak nito na bibigay ang Kazakhstan boxer sa initial offer nila na $10 million dollars pay-per-view bonus para sa 2017 bout.
Ang nasabing offer ay kasunod ng panalo ni Alvarez kay Liam Smith.
Patuloy namang ipinapakilala ni Golden Boy si Alvarez na susunod sa yapak ni retired boxing champion Floyd Mayweather Jr.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AP