Handa ang Office of Civil Defense o OCD na magsagawa ng relief operations sa mga lugar na apektado ng bakbakan ng militar at Maute Group o Dawlah Islamiyah sa Marawi City, Lanao del Sur sakaling ipag-utos ng national government.
Ayon kay OCD Officer-in-Charge, Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon.
Noong Miyerkules anya ay nag-convene ang NDRRMC core group sa kanilang operations center sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City upang talakayin ang mga ilalatag na hakbang para sa Marawi.
Tiniyak naman ng OCD na may sapat silang supply ng pagkain at gamot na maaaring ipamahagi sa mga evacuee anumang oras.
By Drew Nacino