Naka-Red Alert na ang Office of Civil Defense sa Cordillera Region dahil sa bagyong Carina.
Ipinabatid ni Frances Ivy Carasi, Information Officer ng OCD Cordillera na nakatutok sila sa mga lugar na pinangyarihan ng landslide noong nakaraang taon tulad ng munisipyo ng Tublay, Bakun, Mankayan, at Tuba sa lalawigan ng Benguet at iba pang mga lugar.
Tiniyak ni Carasi na nakahanda na rin ang family food packs na ipapamahagi ng DSWD sa mga pamilyang posibleng lumikas dahil sa epekto ng bagyo.
By: Meann Tanbio