Magiging Presidential Communications Office (PCO) na ang Office of the Press Secretary (OPS).
Ito’y matapos maglabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa pagpapatupad ng streamlining ng administrative structure ng Office of the President (OP).
Batay sa Executive Order No. 11 na nilagdaan ni Pangulong Marcos, binanggit na ang mga tanggapang nasa ilalim ng OP ay ang PCO, Executive Secretary, Office of the Chief Legal Counsel, Protocol Office and Social Secretary’s Office, at Office of the Special Assistant to the President.
Nakasaad sa EO na ang PCO ang siyang mamamahala pa rin sa messaging system ng executive branch at OP.
Samantala, ang Presidential Management Staff (PMS) naman ay mapupunta na sa ilalim ng pamamahala ni Executive Secretary Lucas Bersamin.