Nakatakdang buwagin ang PCOO o Presidential Communications Operations Office para palitan ng bubuhaying Office of the Press Secretary.
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay upang masimulan na ang ilalargang reorganisasyon sa naturang tanggapan.
Kasabay nito, sinabi ni Andanar na si Presidential Spokesman Ernesto Abella na lamang ang maaaring mag-isyu ngayon ng mga statement mula sa Malacañang.
Habang sisentro naman ang kanyang trabaho sa pangangasiwa sa mga departamento at mga state run media groups na nasa ilalim ng kanyang tanggapan.
Ngunit maari pa rin naman siyang magsalita sa media kapag wala si Abella.
Nilinaw naman ni Andanar na wala itong kinalaman sa kanyang kontrobersyal na pahayag kamakailan kaugnay sa naging suhulan sa mga senate reporter nang lumabas sa isang press conference si dating Police Officer Arthur Lascañas.
By Rianne Briones | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)