Nagsampa ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General laban sa ABS-CBN.
Hiniling ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na mapa-walang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa mga paglabag sa mga probisyon nito.
Tinukoy ni Calida ang di umano’y pagpayag ng ABS-CBN na lumahok sa pamamahala ng kumpanya ang kanilang foreign investors na anya’y malinaw na paglabag foreign interest restriction sa ilalim ng konstitusyon.
Ayon kay Calida, nais nilang tapusin ang mga natuklasan nilang mapag-abusong gawain ng ABS-CBN para sa kapakinabangan ng iilan lamang.
Nakatakdang magtapos ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso samantalang hindi pa gumagalaw sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kanilang aplikasyon para sa renewal ng kanilang prangkisa.