Nagsumite na ng komento sa Korte Suprema ang Office of the Solicitor General kaugnay ng petisyong kumukwestiyon sa ipinatutupad na martial law sa Mindanao.
Ang nasabing kasagutan ay tinalakay sa preliminary conference na ipinatawag ng kataas-taasang hukuman para naman sa gaganaping oral arguments ngayong Martes.
Matatandaang binigyan lamang ang pamahalaan ng hanggang ngayong Lunes ng 12:00 ng tanghali para maghain ng komento.
Nauna na ring ipinag-utos ng SC o Supreme Court na pag-isahin na ang tatlong (3) petisyong humihiling na ipawalang bisa ang deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar sa Mindanao.
By Krista De Dios | With Report from Bert Mozo