Pinakamahina o worst performing government agency ang Office of the Vice President o OVP sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Makati Business Club o MBC sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian laban kay Vice President Jejomar Binay.
Sa 67 business senior executives na tinanong sa survey, “negative” ang score na ibinigay ng mga ito sa tanggapan ni Binay o pinakakulelat sa 64 na government agencies.
Matatandaan na noong isang taon ay nasa ika-33 puwesto ang OVP sa naturang rankings.
Nakabuntot naman sa OVP o nasa dulo rin ng listahan ang Transportation Department at Bureau of Customs.
Nananatili namang satisfied ang mga business executive o best performing government agencies ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP (90.8) na nasa unang puwesto, Philippine Economic Zone Authority o PEZA (84.4) sa ikalawang pwesto at Department of Tourism o DOT (81.8) sa ikatlong puwesto.
By Jelbert Perdez