Ipinasilip na ng Commission on Elections o COMELEC sa kanilang website ang hitsura ng official ballot na gagamitin sa May 13 midterm polls.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, makikita ang hitsura ng balota sa www.comelec.gov.ph.
Bagaman hindi naman kinakailangan sa ilalim ng batas, nais anya nilang makita ng publiko ang balota, tatlong buwan bago ang halalan.
Ito’y upang magkaroon ng karagdagang panahon na pag-aralan ang karagdagang “options” at maging pamilyar ang publiko sa itsura ng balota.
Sa tantsa ng poll body, sampung minuto ang itatagal ng bawat botante upang makaboto sa Mayo 13.