Inilabas na ng Commission on Elections o Comelec ang opisyal na listahan ng mga senatorial candidate at party-list group para sa May 13 midterm polls.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, 77 ang kandidato sa pagka-senador subalit l4 sa kanila ang may nakabinbing kaso.
Nireresolba naman ng poll body ang mga kaso ng 13 senatorial aspirants kabilang ang kay Senador Aquilino Pimentel III at dating Senador Sergio Osmeña III.
Kabilang sa nakapasok sa listahan sina Pimentel, Osmeña, Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, dating Interior Secretary Raffy Alunan, Senators Sonny Angara, Bam Aquino, Cynthia Villar, JV Ejercito, Nancy Binay at Grace Poe, mga dating senador na si Juan Ponce Enrile, Mar Roxas, Lito Lapid, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr, dating Bureau of Corrections Director at PNP Chief Ronald dela Rosa, dating Presidential Assistant Bong Go, dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino, dating Presidential spokesman Harry Roque, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Maguindanao Rep. Dong Mangudadatu, election lawyer Romy Macalintal, Atty. Larry Gadon at dating Quezon Province Rep. Lorenzo “Erin” Tañada.