Iginiit ng Liberal Party o LP ang kahalagahan nang pag-repaso sa official report na isinumite ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa deklarasyon nito ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon sa dating ruling party, mas mabuting mabigyan ng pagkakataon ang mga mambabatas na makapagtanong hinggil sa nasabing report lalo’t pa sinasabi anito ng AFP o Armed Forces of the Philippines at PNP o Philippine National Police na kontrolado na nito ang sitwasyon sa Marawi City.
Dapat aniyang mabusisi ang report para matutukan kung talagang may basehan ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao region.
Kasabay nito, ipinabatid ng LP na kontra ito sa posibleng deklarasyon ng Martial Law sa buong bansa base na rin sa naunang pahayag ng Pangulong Duterte.
By Judith Larino
Official report ng Martial Law declaration ipinarerepaso was last modified: May 26th, 2017 by DWIZ 882