Hindi P13.3 -B kundi P9.68- B ang halaga ng shabu na nasabat sa Alitagtag, Batangas.
Paliwanag ni Philippine Drug Enforcement Agency Spokesperson Derrick Carreon, ang P13.3 – B na naunang napaulat ay pagtaya o estimate lamang sa lugar kung saan ito nakumpiska.
Ngunit nang mai-turned over anya sa PDEA Laboratory Service ang mga droga, lumitaw ang aktwal na timbang nito ay isa punto apat na tonelada lamang.
Nilinaw naman ng PDEA na bagama’t nabawasan, ito pa rin ang pinakamalaking bilang at halaga ng droga na nakumpiska ng mga otoridad sa isang operasyon.
Matatandaang ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior at Interior Secretary Benjur Abalos ang pagkakasabat sa shabu sa batangas dahil maituturing itong pinakamalaki sa kasaysayan.