Inaabangan na ngayon ng pagpapalabas ng Pinoy adaptation ng Korean film na “Miss Granny” kung saan, bida rito ang tambalang Sarah Geronimo at James Reid.
Hango ang naturang pelikula sa kuwento ng isang nakatatanda na nagngangalang Fely na nabigyan ng pagkakataong maging batang muli matapos na bumisita sa isang misteryosong photo studio.
Kahapon, inilabas na ang unang official teaser ng naturang pelikula kung saan humakot ito ng aabot sa 250,000 views.
Idinerehe ni Binibining Joyce Bernal ang naturang pelikula sa ilalim ng Viva Entertainment at ito’y ipalalabas sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.