“Bakit nga ba minsan mahal po ang isang taong sinaktan ka?”
Ito ang tanong na sasagutin sa pinakabagong romantic comedy film na ‘My Ex and Whys’ na pagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Nitong weekend ay inilabas na ng Star Cinema ang unang pasilip sa pelikula.
Sa 3-minutong video trailer, makikita kung paanong patutunayan ng isang playboy sa kanyang ex-girlfriend na siya’y nagbago na. May posibilidad kaya na muli silang magkabalikan? at muling mahalin ang isa’t isa?
Makikita din ang ilang eksena ng ‘LizQuen’ na kinunan sa South Korea noong nakaraang Nobyembre.
Sa direksyon ni Cathy Garcia Molina, nakatakdang ipalabas ang pelikula sa February 15, 2017.
Panoorin ang trailer: