Pormal nang magsisimula ngayong araw ang official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Myanmar na bahagi ng kaniyang ASEAN trip.
Kasama sa delegasyon ng Pangulo sina acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Agriculture Secretary Manny Piñol, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Communications Secretary Martin Andanar.
Gayundin sina National Security Adviser Jun Esperon, PDEA Director General Isidro Lapeña, Extraordinary and Pleni-potentiary Ambassador to Myanmar Alex Chua at ang mga senador na sina Vicente ‘Tito’ Sotto at Alan Peter Cayetano.
Bago tumulak ang Pangulo, sinabi nito na layunin ng kaniyang biyahe ang pagpapalakas sa relasyon ng Pilipinas at ng Myanmar.
Dahil dito, pansalamantalang itinalaga ng Pangulo bilang caretaker ng bansa si Executive Secretary Salvador Medialdea.
Tuloy ang trabaho
Handang tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang magiging kapalaran sa hinaharap.
Ito ang reaksyon ng Pangulo sa inihaing impeachment gayundinang pagsasampa ng kaso laban sa kaniya sa ICC o International Criminal Court.
Bago tumulak patungong Myanmar kahapon, sinabi ng Pangulo na tanging ang Diyos lamang ang makapagdidikta sa kaniyang kapalaran at walang sinuman aniya ang maaaring magbago nito.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Gayunman, sinabi ng Pangulo na kaniyang gagampanan ang mandato niya sa bayan bilang pangulo ng bansa at duon na lamang niya itutuon ang kaniyang pansin.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)