Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang Overseas Filipino Worker o OFW Advocates sa harapan ng tanggapan ng DFA o Department of Foreign Affairs noong Martes.
Hiling ng nasabing ng mga grupong Migrante International at Laya o Legal Assistance Sigaw ng Migrante at Pamilya ang hustisya para sa sinapit ng binitay na OFW sa Kuwait na si Jakatia Pawa.
Ayon sa Convenor ng grupong laya na si Editha Dacanay na ina rin ng isang nakabilanggong OFW, nangangamba sila na baka mapahamak na rin ang kanilang mga kaanak na nakakulong sa ibayong dagat dahil sa aniya’y pagpapabaya ng pamahalaan.
Samantala, tinawag ni Migrante International Spokesperson Arman Hernando ang DFA na sinungaling matapos nitong sabihing may mga kinatawan ng gobyerno na tumutulong sa mga nakakasuhang OFW sa simula pa lamang.
Patunay, aniya, ang sinapit ng mga OFW na sina Mary Jane Veloso, Rose Policarpio, Edmar Aquino, at iba pa na walang agarang tulong ang pamahalaan.
By: Avee Devierte / Allan Francisco