Hinimok ng DOLE o Department of Labor and Employment ang mga Migranteng Pinoy na mag-impok at mamuhunan sa itinayong OFW o Overseas Filipino Worker’s Bank na nakatakdang buksan sa Oktubre.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaari nang humiram ang mga OFW na intresadong bumili ng shares o sapi sa naturang bangko upang maging part owner sila nito.
Partikular na hahawakan ng itatayong OFW Bank ang mga ipinadadalang remittances gayundin ang iba pang pangangailangan ng mga pamilya ng mga OFW’S.
Sinabi pa ni Bello na sabay na mapakikinabangan ng mga OFW’S ang itatayong OFW Bank gayundin ang ilulunsad nilang i-DOLE o ang ID ng DOLE kapalit ng OEC o Overseas Employment Certificate.
By Jaymark Dagala
OFW bank bubuksan na sa Oktubre—DOLE was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882