Tumaas ang cash remittance na ipinadadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bangko sa buwan ng Pebrero.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumawi ang remittances sa buwan ng Pebrero kung saan naitala ang 5.1% o katumbas ng $2.477-billion na mas mataas kumpara sa remittance noong Pebrero 2020.
Halos 8% ang itinaas ng cash remittances ng land-based workers, samantalang bumagsak naman sa 4.6% ang sea-based workers.
Ang mataas na remittances sa loob ng dalawang buwan ay nagmula sa Amerika, Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, UAE, Canada, Malaysia, Taiwan at Qatar.