Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bumaba ng mahigit $2.5B ang OFW cash remittances kung ikukumpara sa mahigit $2.7B noong buwan ng Enero.
Ayon sa BSP, ang pagbaba ng remittances ng Overseas Filipinos ay mas mataas parin kumpara sa mahigit $2.4B na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sinabi ng BSP na ang pinakamalaking share sa overall remittances ay ang US na may 41.6% sa unang dalawang buwan ng taon, sumusunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar, at Malaysia.
Nabatid na ang pagbaba ng cash remittances mula sa ibang bansa ay dahil sa muling pagpapatupad ng restriksiyon sa host countries ng Overseas Filipinos.