Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nananatiling suspendido ang deployment ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia.
Taliwas ito sa mga kumakalat na advisory lalo sa social media na tinanggal na ng DOLE ang deployment ban.
Iginiit ni DOLE-Information and Publication Service Director Rolly Francia na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon.
Ito’y makaraang kumpirmahin ni POEA Administrator Bernard Olalia na hindi ito lumagda o naglabas ng naturang advisory.
Nakikipag-ugnayan na anya ang DOLE sa mga law enforcement agency upang mapanagot ang sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon na naka-aapekto na sa mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat.