Ilulunsad na ng Department of Migrant Workers (DMW) sa darating na October 27 ang OFW DIGITAL App.
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, nakatakda sanang ilunsad ang digital portal sa Oktubre 15, ngunit napagdesisyunan ng ahensya na sa naturang petsa na lamang upang ma-test ito at maiwasan ang maraming glitches.
Sa pamamagitan nito ay magiging simple at mapapabilis na ang pagproseso ng mga dokumento ng mga OFW.
Maaari nang ma-idownload ng mga OFW sa kanilang mobile device ang overseas employment certificate at iba pang mga dokumento.
Sinabi pa ni Ople na maaari ring maglagay ang mga OFW ng iba pang personal files sa naturang application.
Mayroon din itong help desk na maaaring tumugon sa inquiries ng mga OFW.