Hindi kumbinsido ang isang grupo ng mga OFW sa mga inilatag sa kanila ni Customs Commissioner Bert Lina sa kanilang pag-uusap kahapon kaugnay sa isyu nang pagbubukas ng balikbayan box.
Ayon kay John Bertriz ng OFW Advocate Coalition, hindi mga baril, drugs o ano pamang iligal ang laman ng balikbayan boxes na simbolo na rin ng pagmamahal ng mga OFW sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
“Hindi naman po gawain ng mga OFW balikbayan boxes, kung matatandaan niyo po lahat po ng balikbayan boxes na ‘yan ay identified po ng pamilya ‘yan kung sino ang mag-rereceive, sino nagpadala, at ito ay naging simbolo na ng pagmamahal ng isang manggagawa para ipadala sa kanyang pamilya, pero ‘yung mga ipinakita nilang baril, drugs, piyesa ng motor ay normal na gawain ng isang smuggler at hindi ng OFW’s. Giit ni Bertriz.
By Judith Larino | Kasangga Mo Ang Langit