Tiniyak ng mga grupo ng Overseas Filipino Workers o OFW’s ang kanilang pagdalo sa isasagawang pagdinig ng mababang kapulungan ng Kongreso.
May kaugnayan ito sa nabinbing plano ng Bureau of Customs (BOC) na isailalim sa random inspection ang mga ipinadadalang balikbayan box.
Ayon kay John Bertis, tagapagsalita ng Coalition of OFW Groups, magandang pagkakataon aniya ito upang maipahayag sa mga mambabatas gayundin sa publiko ang kanilang saloobin hinggil sa usapin.
May ilang panukala rin silang ilalatag sa pagdinig na tiyak na makatutulong ng maigi sa pagpapatupad ng mga panuntunan at umaasa silang isasa-alang alang ito ng Bureau of Customs.
Bukas, araw ng Miyerkules isasagawa ng pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs habang sa Huwebes naman magsasagawa ng pagdinig ang House Committee on Ways and Means kaugnay dito.
By Jaymark Dagala