Mas mapapabilis na ang pagsusumbong ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa pamamagitan ito ng bagong lunsad na OFW Help page sa Facebook.
Ayon sa DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, maaari nang makapaghain ng kanilang reklamo at iba pang pangangailangan ang mga OFWs na hindi nakakapunta sa Embahada ng Pilipinas sa kinaroroonan nilang bansa.
Hinihikayat rin ang mga hindi dokumentadong OFWs at mga hindi miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na gamitin ang OFW Help page sa Facebook.