Hinikayat ni outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang mga Overseas Filipino Workers na umuwi at dito na lamang sa bansa magtrabaho.
Sa kaniyang talumpati sa Migrant Workers’ Day 2022, binigyang papuri ni Bello ang kasipagan at katapangan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Pero mas makakabuti raw kung uuwi na ang mga ito sa Pilipinas dahil makakatiyak ang mga ito na nakahandang tumulong ang ahensya sa mga makabagong bayani.
Batay sa website ng DOLE, pwedeng i-avail ng mga migrant workers ang reintegration services at intervention at mechanism para tulungan silang makapagsimula muli pagbalik ng bansa.
Kabilang sa tulong na ito ay capacity building, financial literacy, livelihood skills training at financial grants na magagamit local employment at pagtatayo ng negosyo.
Pero, bukas pa rin naman daw ang ahensya sa pagtulong sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa.
Aniya, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pag-promote ng employment opportunities sa ibang bansa gayudin ang pagprotekta sa mga OFWs.