Operational na simula sa Labor Day, May 1 ang overseas Filipino workers (OFW) hospital na itinatag sa San Fernando City, Pampanga.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang Executive Order 154 na nag-uutos sa pagtatatag ng OFW hospital ay lumikha din ng inter-agency committe.
Pamumunuan ito ni Bello kasama ang kalihim ng kalusugan.
Kabilang din sa mga miyembro nito ang Department of Budget and Management secretary, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration chiefs gayundin ang dalawang representative ng land-based at sea-based OFWS.