Kasado na bukas, May 2, ang pagbubukas ng unang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital sa bansa
Ang OFW Hospital ay matatagpuan sa San Fernando City, Pampanga.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), mag-aalok ng libreng serbisyong medical ang nasabing ospital para mapangalagaan ang kalusugan ng mga OFW at kanilang mga dependents.
Mayroon ding Malasakit Center at Overseas Workers Welfare Administration Desk para sa mas mabilis na makalapit ang mga OFW na may malubhang pangangailangan.
Samantala, nabatid na nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang OFW Hospital ngayon araw, kasabay ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa.