Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng Identification Card System para sa mga OFW o Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernie Abella, mas mapapabilis nito ang transaksyon ng mga OFW sa mga pribado at pampublikong tanggapan.
Maaari rin aniyang gamitin ang naturang ID Card bilang debit card para sa itatatag na OFW Worker’s Bank ng pamahalaan gayundin ay maaaring gamitin bilang beep card sa MRT (Metro Rail Transit) at LRT (Light Rail Transit).
Gayunman, nilinaw ni Abella na wala pang anunsyo ang gobyerno kung kailan magiging available ang nasabing ID Card makaraang aprubahan ito ng Pangulo sa cabinet meeting noong Pebrero 7.
By Jaymark Dagala | With Report from Aileen Taliping